PNP walang namomonitor na terror threat ngayong Semana Santa – Dela Rosa

By Marilyn Montaño March 24, 2018 - 01:28 AM

Walang namomonitor ang Philippine National Police (PNP) na partikular na terror threat habang papalapit ang holy week kung kailan sasamantalahin ng mga Filipino ang mahabang bakasyon para umuwi sa mga probinsya at bumisita sa mga tourist destinations.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, sa ngayon ay wala silang namomonitor na banta ng terorismo bago ang Semana Santa.

Gayunman ay pinayuhan ni Dela Rosa ang publiko na huwag masyadong mag-relax at manatiling alerto sa kapaligiran para hindi masingitan ng kriminal.

Pahayag ito ng PNP Chief kasabay ng paglunsad sa “Ligtas Sumvac 2018” kung saan pina-igting ang police visibility sa iba’t ibang pampublikong lugar kabilang ang mga simbahan, mall, palengke, pantalan, paliparan, bus terminal MRT, LRT, tourist spots at iba pa.

Tatagal hanggang June 13 ang naturang summer security plan ng pulisya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.