BPI inabisuhan ang kanilang mga kliyente sa pagsasara ng mga branch nila sa Holy Week

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 06:37 PM

BPI Advisory

Naglabas ng abiso ng Bank of the Philippine Islands (BPI) para sa kanilang magiging operasyon sa Holy Week.’

Ayon sa BPI, mula March 29 (Huwebes Santo) hanggang April 1 (Easter Sunday), sarado ang lahat ng kanilang branch sa buong bansa.

Kabilang dito ang BPI, BPI Family Savings Bank at BPI Direct BanKo branches.

Babalik naman sa normal na operasyon ang BPI sa April 2, araw ng Lunes.

Payo ng BPI sa kanilang mga kliyente, tapusin na ang kanilang mga transaksyon sa Lunes hanggang Miyerkules, March 26, 27, at 28.

Ayon sa BPI, lahat ng online payments na gagawin mula March 29 hanggang April 1 ay sa April 3 na ang posting date.

 

 

 

TAGS: bpi, BPI BRanches, Holy Week, bpi, BPI BRanches, Holy Week

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.