Pang. Duterte nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Occidental Mindoro; operator ng Dimple Star pinaaresto

By Chona Yu March 23, 2018 - 05:17 PM

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilyang naulila ng labingsiyam na nasawi sa nahulog na Dimple Star Bus sa bangin sa Occidental Mindoro.

Base sa mga litratong kuha ni Special Assistant to the President Bong Go partikular na binisita ng pangulo ang mga nasawi sa Barangay San Agustin, bayan ng Sablayan.

Pinuntahan din ng pangulo ang lugar kung saan naganap ang aksidente.

Binisita rin ng pangulo ang nga sugatang pasahero na ginagamot sa San Sebastian District Hospital.

Kasabay nito, pinaaaresto rin Pangulong Duterte ang operator o may-ari ng Dimple Star Bus.

Ayon kay Go, nais panagutin ni Duterte ang nagmamay-ari mismo ng bus na nadisgrasya.

Dagdag ni Go hindi lang ang may-ari ng Dimple Star Bus ang pinaaresto ng pangulo kundi maging ang lahat ng mga colorum na pampasaherong bus.

Mahigpit na inilihim sa media ang biyaheng ito ni Pangulong Duterte sa Occidental Mindoro hanggang nakabalik siya ng Davao City dahil sa usaping panseguridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, Dimple Star bus, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, bong go, Dimple Star bus, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.