P50M na halaga ng shabu nasabat sa Alabang Town Center, 3 suspek arestado

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 03:28 PM

Contributed Photo

Arestado ang tatlong katao sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Group (DEG) ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking area ng Alabang Town Center sa Ayala, Alabang, Muntinlupa.

Photo from PNP-PIO

Nagresulta din ang operasyon sa pagkakasabat ng nasa 10 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50 milyon.

Nakabalot ng malaking plastic ang kilo-kilong mga shabu at nakasilid sa loob ng kulay itim na bag.

Nakuha din mula sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit ng mga PDEA agent na nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon sa mga suspek.

Personal namang ininspeksyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa at PDEA Director General Aaron Aquino ang mga nasabat na shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: alabang town center, Illegal Drugs, PDEA, PNP, shabu, alabang town center, Illegal Drugs, PDEA, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.