Aktres na si Hayley Atwell nilinaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagbisita niya sa bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 02:43 PM

Nagbigay-linaw ang aktres na si Hayley Atwell sa hindi na matutuloy na pagdating niya sa ComicCon Asia na gaganapin sa Pasay City ngayong weekend.

Ayon kay Hayley na kilala bilang Peggy Carter sa show na Agent Carter, conflict sa schedule ang dahilan kaya hindi siya makakarating sa event na gaganapin bukas March 24 at sa Linggo March 25.

Ginawa ni Hayley ang paglilinaw matapos na maglabas ng pahayag ang ComicCon Asia na ang “political unrest” sa Pilipinas ang dahilan kaya kinansela ang kaniyang pagbisita.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Haley ng larawan ng kaniyang handwritten statement kung saan humihingi siya ng paumanhin sa kaniyang mga fans sa Pilipinas dahil hindi siya makakadalo sa convention.

Ayon kay Haley, nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang work schedule at imposible para sa kaniya ang makabiyahe ng malayo.

May caption ang post na “My statement. My own words.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ComicCon Asia, Hayley Atwell, Peggy Carter, ComicCon Asia, Hayley Atwell, Peggy Carter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.