WATCH: Mga pulis, pinayuhan ni PNP Chief na magnilay-nilay kahit naka-duty ngayong Semana Santa

By Mark Makalalad March 23, 2018 - 11:56 AM

“Magnilay-nilay kahit naka-duty”.

Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Bato Dela Rosa sa mga pulis na ngayong Semana Santa.

Ayon kay Dela Rosa, kahit na walang bakasyon para sa mga pulis ngayong Mahal na Araw ay mainam na magnilay-nilay pa rin sila para sa mga nagawa nilang kasalanan.

Dapat din daw na magdasal ang mga pulis dahil pagkakataon na rin ito para magsisi.

Hinimok din ni dela rosa ang kanyang mga tauhan na huwag magkimkim ng sama ng loob lalot laging sentro ng kontrobersya ang mga pulis.

Dapat anyang maunawaan ng lahat na kaakibat ng mga uniformed personel tulad nila ang samut saring kontrobersya.

Payo naman ni Dela Rosa sa mga pulis na pasaway, magpasan at magpapako sa krus sa Pampanga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Holy Week, PNP, Radyo Inquirer, Holy Week, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.