Pedicab driver patay sa pamamaril sa Maynila

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 06:59 AM

Patay sa pananambang ang isang pedicab driver na pinagbabaril ng hindi pa nakilalang salarin sa Barangay 119, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Mateo Gravillo, 58-anyos at nakatira sa Capulong St., Barangay 120.

Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District Station 1, isang lalaki ang namaril kay Gravillo habang ito ay nakaupo lang sa kaniyang pedicab.

Nakuha naman ng mga otoridad mula crime scene ang limang basyo ng bala ng baril.

Ayon sa pahayag ng anak ng biktima, dating gumagamit ng ilegal na droga ang kaniyang ama pero wala silang nababalitaan na ito ay may kaaway.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: pedicab driver, Radyo Inquirer, Tondo Manila, pedicab driver, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.