PBA Finals sa pagitan ng San Miguel at Magnolia, aarangkada na ngayong araw

By Rhommel Balasbas March 23, 2018 - 02:34 AM

 

Magsisimula na ngayong araw ang best-of-seven finals series sa pagitan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa PBA Philippine Cup.

Magaganap ang bakbakan ng dalawang koponan mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maghaharap ang Hotshots at Beermen sa finals bilang magkapatid na koponan sa ilalim ng San Miguel Corporation matapos huling maglaban noong 2013 Governor’s Cup.

Ayon kay San Miguel Beer Coach Leo Austria, natatakot siya sa kagutuman ng Hotshots na manalo buhat nang itala ang Grand Slam noong 2013-2014 season.

“Gutom na gutom sila at iyon ang kinakatakutan ko sa kanila,” ani Austria.

Bitbit ni Austria ang Beermen sa ikaapat na sunod-sunod na pagkakataong makuha ang kampyeonato sikat na torneo.

Samantala, ayon naman sa first timer sa finals na si Magnolia Coach Chito Victolero, nagpapasalamat sila at narrating nila ang puntong ito.

Bagaman anya nahaharap sila sa malaking pagsubok ay gagawin nila ang lahat upang manalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.