3 patay sa pananambang sa Lapu-Lapu City dumpsite

By Rhommel Balasbas March 23, 2018 - 03:00 AM

 

Tatlong katao ang patay matapos tambangan malapit sa M.R.F dumpsite sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa hepe ng Mactan Police Station 2 na si Chief Insp. Wayne Magbanua, dead on the spot ang mga hindi pa nakikilalang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala.

AniMagbanua, sakay ng motorsiklo ang mga biktima habang binabagtas ang daan patungong Barangay Bangkal bandang alas-8 ng gabi nang isa pang motorsiklo lulan ang mga suspek ang makailang beses na nagpaputok ng baril sa mga ito.

Narekober din sa mga biktima ang mga hand guns at pinaghihinalaan ding mga kiriminal ayon sa pulisya.

Posible umanong gun-for-hire o mga magnanakaw ang mga biktima ayon kay Magbanua.

Dahil sa insidente, umabot na sa 45 ang bilang ng mga hindi pa nareresolbang kaso ng pagpatay sa Cebu mula buwan ng Pebrero.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.