Mga multo sa Malakanyang walang pinipiling oras ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu March 22, 2018 - 09:07 AM

“I am a prisoner of my own making.”

Ito ang himutok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang buhay mula nang naupo siya bilang pangulo ng bansa.

Ayon sa pangulo hindi siya basta maaring makalabas ng bahay sa Malakanyang dahil sa kontrolado ng Presidential Security Group (PSG) ang kanyang mga galaw.

Pabiro ring sinabi ng pangulo na naiinis siya sa mga multo sa Malakanyang dahil walang pinipiling oras ang paglabas.

Kahit aniya araw ay nagpapakita ang mga multo sa Malakanyang.

“Hindi ako makalabas. Diyan lang ako sa bahay ko, across the river. Magpunta kayo doon tignan ninyo. Wala nga, wala nga po. Tanungin ninyo mga…Kwarto ko? ‘Yan. ‘Yang diyang stage na ‘yan pati ‘yun, ‘yun box. Malaki na ‘yun,
kalahati nitong sa likod. Hindi ako nagpapa-drama, gusto ko ‘yun. Sa, doon sa Malacañan. Mga walang-hiya ang mga multo doon maski araw ang p***** i** lumalabas,” ayon sa pangulo

Kasabay nito naglabas din ng hinaing ang pangulo dahil hindi rin siya makapang-babae sa pangambang mahawaan siya ng aids.

Samantala, walang schedule ngayong araw ang pangulo pero mayroong regular press briefing kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Malacanan, PSG, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, Malacanan, PSG, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.