Tatlong drug suspects patay makaraang manlaban umano sa mga otoridad sa Bulacan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 22, 2018 - 08:48 AM

Tatlong drug suspects ang patay makarang umano’y manlaban sa mga otoridad na nagkasa ng buy-bust operation sa lalawigan ng Bulacan.

Naganap ang operasyon sa Vista Verde Subdivision sa Barangay Muson sa San Jose del Monte.

Ayon sa mga pulis, nagkasa sila ng buy-bust operation alas 11:30 ng gabi ng Miyerkules na nauwi sa engkwentro makaraang manlaban ang mga suspek.

Sa ulat ng San Jose del Monte (SJDM) Police, dumating ang apat na suspek sa lugar sakay ng dalawang motosiklo.

Habang ang tatlo sa kanila ay nakipag-usap sa nagpapanggap na buyer, natunugan ni alyas Elmer na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya sumigaw ito bumunot ng baril at pinutukan ang pulis.

Pero nagawang agad makaganti ng putok ng mga otoridad kaya nasawi si Elmer.

Nagtakasan naman ang tatlo pang suspek pero naharang sila ng blocking force ng mga otoridad kaya muling nagkaroon ng palitan ng putok.

Nasawi din sina alyas Pakdon at alyas Aye habang nakatakas naman ang ika-apat na suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, buy bust operation, san jose del monte, three drug suspects, War on drugs, Bulacan, buy bust operation, san jose del monte, three drug suspects, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.