Haring David ng Bibliya, binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa 43 asawa

March 22, 2018 - 01:44 AM

 

Maging ang Biblical character na si Haring David ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ng pangulo kagabi sa oath-taking ng Mayor Rodrigo Roa Duterte sa National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) National Convention sa Cuneta Astrodome, Pasay City, sinabi nito na nakapag-asawa si King David ng 43 asawa.

Panay daw ang tira-pasada ni King David nang hindi naman nababatikos.

Iginiit pa ng pangulo kung anong klaseng Bibliya mayroon ang mga Katoliko gayung nakapag-asawa si King David ng 43 na asawa.

Kaya tanong ng pangulo, bakit daw kailangan batikusin ang pagkakaroon niya ng dalawang asawa.

Matatandaang noong 2000 na annuled ang kasal ni Pangulong Duterte sa asawang si Elizabeth Zimmerman at nagkaroon ng bagong asawa sa katauhan ni Honeylet Avancena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.