SAF trooper nag-propose nobya na bagong graduate sa PNPA

By Mark Makalalad March 21, 2018 - 07:48 PM

Photo: Mark Makalalad

Double victory kung maituturing sa isang kadete ang kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa PNP Academy.

Sa mismong araw din kasi ng kanilang graduation ay nag-propose sa kanyang ang kanyang nobyo na miyembro ng Special Action Force ng PNP.

Ayon kay SAF Insp. Thomas Allabo, sinadya niya na sa espesyal na araw kunin ang mga kamay ng kanyang nobya.

Nais nya raw kasi na maging ‘memorable’ ito lalo pa at sasabak agad sila sa training sa susunod na buwan.

Sa totoo nga raw ay hindi niya aakalain na mag-ye-yes ang kanyang nobya na si BJMP Insp. May-Ann Bejuna dahil isang linggo niya itong inaway bago nag-propose.

Samantala, sinabi naman ni Bejuna na nagulat siya sa ginawa ng kanyang kasintahan.

Hindi niya raw ito inaasahan lalo’t nasa graduation ang  tuon ng kanyang atensyon.

Tatlong taon na naging magkarelasyon si Allabo at Bejuna na nagkakilala lang sa PNPA.

Si Allabo ay tubong Isabela habang si Bejuna naman ay galing Marikina.

Upperclass ni Bejuna si Allabo na 2015 PNPA Alumnus.

December ang inisyal na target date ng pagpapakasal ng dalawa.

TAGS: Graduation, PNPA, proposal, SAF, Graduation, PNPA, proposal, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.