Dinner nina Duterte at Sharon no big deal ayon kay Sen. Pangilinan

By Jan Escosio March 21, 2018 - 07:39 PM

Photo: Sec. Bong Go

Para kay Sen. Francis Pangilinan hindi malaking isyu sa kanya kung nakasalo ng kanyang asawang si Sharon Cuneta sa hapunan si Pangulong Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Bong Go kagabi.

Sinabi ni Pangilinan malapit na kaibigan ng kanyang biyenan, ang yumaong Pasay City Mayor Pablo Cuneta ang Pangulong Duterte noong ito ay mayor pa ng Davao City.

Ibinahagi din ni Pangilinan na malaki rin ang naitulong ng Pangulong Duterte sa kanyang dalawang ulit na pagkapanalo bilang senador noong 2001 at 2007.

Banggit pa ng senador nakatulong din naman siya sa Davao City sa pamamagitan ng mga proyekto.

Paglilinaw pa ni Pangilinan kung binabatikos man niya ang pangulo ito ay trabaho lang at walang personalan gayundin ang mga pagkakaiba nila ng paniniwala.

Giit pa nito, wala pa rin magbabago sa pagbabatikos niya sa mga nakikita niyang mali sa administrasyon.

TAGS: bong go, dinner, duterte, pangilinan, Sharon Cuneta, bong go, dinner, duterte, pangilinan, Sharon Cuneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.