Robredo tinawag na “my lady” ni Duterte

By Chona Yu March 21, 2018 - 04:20 PM

Photo: Mark Makalalad

“My lady”.

Ito ang ginawang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo sa graduation ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ngayong hapon.

Ayon sa pangulo, ito na ang ikatlong pagkakataon na nagkasama sila ni Robredo sa loob lamang ng isang linggo.

Dagdag ng pangulo, sana may graduation pang iba para muli silang magkita ni Robredo.

Unang nagkasama ang pangulo at si Robredo noong linggo sa graduation rites sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Ang ikalawa ay ang 121st anniversary ng Philippine Army kahapon sa Taguig City at kanina nga ay sa graduation ng PNPA Maragtas Class of 2018.

Ayon sa pangulo, gusto niyang nakikita ang bise presidente.

“I love to see my vice president”.

Matatandaang nagkalamat ang relasyon ng dalawa matapos sibakin ni Pangulong Duterte si Robredo bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Ayon sa pangulo, kaya niya sinibak noon si Robredo dahil sa patuloy na pagbanat sa kanyang administrasyon.

TAGS: duterte, Graduation, my lady, PNPA, Robredo, duterte, Graduation, my lady, PNPA, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.