Cycling champion na si Pepito Calip patay sa pamamaril sa Pangasinan

By Rohanisa Abbas March 21, 2018 - 03:27 PM

Patay ang dating Marlboro Tour Champion na si Pepito Calip sa pamamaril sa harap ng kanyang bahay sa Binalonan, Pangasinan.

Nakikipagkwentuhan lamang si Calip sa kanyang kapitbahay sa Barangay Limmansangan alas-6:35 ng umaga noong Lunes nang tambangan siya ng dalawang suspek.

Nagtamo ng tama sa tyan si Calip na isa ring retiradong pulis.

Naisugod pa sa ospital sa Urdaneta City ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Ayon kay PO2 Heribert Plares, imbestigador ng Binalonan PNP Station, inaalam pa nila ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas sakay ng getaway vehicle.

TAGS: binalonan pangasinan, pepito calip, PNP, binalonan pangasinan, pepito calip, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.