Presidential son Paolo Duterte naka-focus na lang sa kaniyang negosyo ayon kay Pangulong Duterte

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 21, 2018 - 06:55 AM

Balik sa kaniyang pagnenegosyo ang panganay na anak ni pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo Duterte makaraang magbitiw bilang vice mayor ng Davao City.

Nagbiro pa ang pangulo na ang negosyo ng kaniyang anak ay malayo at walang kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, naka-focus ngayon si Paolo sa kaniyang negosyo sa pantalan.

Muling iginiit ni Pangulong Duterte na hindi sangkot sa smuggling ng ilegal na droga ang kaniyang anak.

Aniya sinabi na niya noon na payag siyang patayin ang kaniyang anak kung mapapatunayang guilty sinoman sa kanila sa ilegal na dorga.

 

 

 

 

 

TAGS: paolo duterte, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, paolo duterte, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.