Mga babaeng miyembro ng NPA hindi daw dapat magbuntis ayon kay Pangulong Duterte

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 21, 2018 - 06:28 AM

May panibagong banat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga babaeng miyembro ng New People’s Army.

Sa kaniyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines sinabihan ng pangulo ang mga “Amazona” na kung magrerebelde lang naman ay huwag nang manganak.

Ayon sa pangulo, dadagdagan lamang ng mga babaeng rebelde ang problema kapag sila ay magbubuntis at manganganak.

Nagpaliwanag din ang pangulo sa naging pahayag niya noon hinggil sa pagbaril sa ari ng mga babaeng rebelde.

Aniya, binanggit lamang niya iyon bilang pantakot.

Magugunitang umani ng batikos mula sa iba’t ibang grupo ng kababaihan ang nasabing pahayag ng pangulo.

 

 

 

 

TAGS: new people's army, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, new people's army, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.