Pangulong Duterte nakipag-hapunan kay Sharon Cuneta

By Dona Domiguez-Cargullo March 21, 2018 - 06:14 AM

Photo courtesy of SAP Bong Go

Nakasalo sa isang hapunan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Megastar Sharon Cuneta.

Sa Facebook post ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go makikitang kasalo niya ang megastar at si Pangulong Duterte sa hapunan.

Ang tanging caption na nakalagay sa mga larawan ay “Dinner with PRRD and Sharon Cuneta. Sarap ng sardinas”.

Sa kaniya namang Instagram post sinabi ni megastar na kasama din sa nasabing dinner ang kaniyang kapatid na umiidolo kay Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Sharon, ang kanilang ama ay matalik na kaibigan ng pangulo.

Masaya umano siya na nakasalo niya at ng kaniyang kuya si Pangulong Duterte sa isang hapunan.

TAGS: Shawie w/ PRRD, Shawie w/ PRRD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.