Magnolia Hotshots, pasok na sa finals ng PBA Cup

By Rhommel Balasbas March 21, 2018 - 02:52 AM

Magbabakbakan sa Finals ng PBA Philippine Cup ang Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen.

Ito ay matapos maipanalo ng Magnolia ang Game 6 kontra NLEX Road Warriors kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa iskor na 96-89.

Ito ang unang pagbabalik ng koponan sa finals ng torneo matapos ang apat na taon.

Umariba si Ian Sangalang sa kanyang 15 points at 11 rebounds na sinundan ni Mark Barroca na may 14 markers, 10 boards at five assists.

Ayon kay Coach Chito Victolero, hindi maikakaila na naghanda ang NLEX laban sa kanila at totoong nahirapan sila sa Game 6 at sa series na ito ng PBA.

Anya, simula pa noong nakaraang season, ay kinukumbinse na niya ang kanyang mga manlalaro na ang kanilang depensa ang makakapagpanalo sa kanila at muli silang makakabalik sa Finals.

Magsisimula ang best-of-seven finals series sa pagitan ng Magnolia at San Miguel sa Biyernes, March 23.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.