Walang banta sa planong transport strike ng Piston ayon sa PNP

By Mark Makalalad March 20, 2018 - 03:22 PM

Inquirer file photo

Walang natatanggap na anumang banta ang Philippine National Police mula sa anumang grupo na maaaring makisawsaw sa transport strike ng grupong Piston.

Ito´y kasunod na rin sa pagsuspinde ng Malakanyang ng klase ngayong araw March 20, para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa anumang posibleng banta ng mga grupong nais samantalahin ang protesta ng transport group.

Gayunman, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na kahit walang banta, ay lagi naman umano silang nakamonitor at nakahanda sa posibleng scenario na maaaring kahinatnan ng kilos protesta.

Agaran daw silang tutugon kung kinakailangan at sasawata sa kaguluhan.

Una nang nagdeklara ng suspensyon ng klase ang Malacañang kahapon sa Metro Manila dahil sa transport strike ng Piston.

TAGS: Bulalacao, PISTON, PNP, strike, Bulalacao, PISTON, PNP, strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.