Sunog sumiklab sa Baguio City

By Angellic Jordan March 20, 2018 - 11:06 AM

Tinupok ng apoy ang dalawang establisyimento sa Baguio City, araw ng Lunes.

Sumiklab ang apoy sa isang kainan sa bahagi ng Post Office loop.

Kwento ng nagtatrabaho sa kainan, may roong nakabukas na kalan nang maputol ang hose ng isang tangke ng gasul.

Dahil dito, nadamay sa sunog ang katabing gusali na isang printing shop.

Umabot ng isang oras ang sunog bago tuluyang naapula ng mga bumbero.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at inaalam ang kabuuang halaga ng mga nasirang ari-arian. / Angellic Jordan

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, fire incident, Post Office Loop, baguio city, fire incident, Post Office Loop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.