8 arestado matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Quiapo, Maynila

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 20, 2018 - 07:56 AM

Walong lalaki ang naaresto makaraang mahulihan sila ng ilegal na droga habang nagsusugal sa Quiapo, Maynila.

Isinagawa ang operasyon base sa sumbog ng isang concerned citizen sa mga tauhan ng Barbosa Police Community Precinct.

Nakuha mula sa mga suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa P7,000 ang halaga ng mga nasabat na ilegal na droga.

Sa walong naaresto, tatlo sa kanila ay dati nang nakasuhan kaugnay sa illegal drugs.

Ang dalawang iba pa ay nasa drugs watchlist habang ang isa ay mayroong kaso ng pagnanakaw.

Nakakulong sa Manila Police District Station 3 ang mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: arrested, operation, Quiapo Manila, War on drugs, arrested, operation, Quiapo Manila, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.