WATCH: 8 arestado kabilang ang isang lola sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Parañaque at Marikina

By Justinne Punsalang March 20, 2018 - 06:15 AM

EPD Photo

Arestado ang isang babaeng senior citizen matapos magkasa ng drug buy bust operation ang Parañaque Police sa Barangay Baclaran.

Nakilala ang suspek na si Marietta Florencio, 65 taong gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa suspek.

Samantala, sa Marikina naman ay arestado ang anim katao sa pamamagitan ng buy bust operation sa Barangay Concepcion Uno.

Nakilala ang mga suspek na sina Allan Delos Reyes, Joshua Canedo, Christian Joey Edrosa, Jennelyn Pjano, Chyrel Navalta, at Razzel Karl Tan.

Anim na sachet ang narekober mula sa mga suspek, bukod pa sa buy bust money.

Sa Marikina pa rin, arestado naman ang isang lalaki matapos magsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Nangka.

Nakilala ang suspek na si Ramoncito Calilap alyas Taks, 27 taong gulang na residente sa lugar.

Bukod sa isang sachet ng hinihinalang shabu ay narekober rin ng mga otoridad ang isang Ingram Mark Cobrayo na baril na kargado ng mga bala at may kasama pang isang spare na magazine, at isang 9mm pistol na naglalaman ng 5 bala.

Dahil dito ay mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms.

Lahat ng mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust peration, crime, drug, marikina paranaque, War on drugs, buy bust peration, crime, drug, marikina paranaque, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.