Sunog sa Manila Pavilion muling nagningas kahapon

By Jay Dones March 20, 2018 - 01:24 AM

 

Matapos maapula kahapon ng umaga, muling nagningas ang apoy sa loob ng Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino dakong alas-kuwatro ng hapon, kahapon araw ng Lunes.

Sa gitna ng mopping-up operations ng mga kagawad ng Bureau of Fire Protection sa loob ng gusali, namataan muli ang apoy at makapal na usok sa ikalimang palapag ng gusali.

Dahil dito, muling rumesponde ang mga bumbero upang patayin ang nangingas na apoy.

Makalipas ang mahigit isang oras muling naapula ang sunog.

Matatandaang pasado alas-onse lamang ng umaga kahapon, araw ng Lunes, naapula ang sunog na tumupok sa casino area at ilan pang palapag ng hotel.

Tumagal ang sunog ng mahigit 25 oras mula nang sumiklab ito noong Linggo ng umaga.

Sa pinakahuling tala, nasa lima ang kumpirmadong patay samantalang 24 naman ang sugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.