Joey De Leon, nagpakasal na

By Rod Lagusad March 20, 2018 - 01:33 AM

 

Instagram/Joey De Leon

Nagpakasal na sina Joey De Leon at ang kanyang longtime partner na si Eileen Macapagal.

Kinasal ang dalawa sa Supreme Court kahapon, araw ng Lunes.

May tatlong anak na ang dalawa na sina Jako, Jocas, and Jio.

Una dito ay may dalawang anak si Joey sa kanyang dating asawa ang aktres na si Daria Ramirez na sina Cheenee at Kimpee.

Nagbahagi ang dalawa at iba pang mga naging bisita ng larawan ng naging kasal.

Ayon kay Tito Sotto, sa wakas at natuloy din ang kasal ng dalawa na ilang dekada nang nagsasama.

Ibinahagi naman sa Instagram acount ni Pauleen Luna-Sotto ang naging ‘wedding vows’ ng dalawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.