LRT 1 tigil pasada simula March 29 hanggang March 31

By Den Macaranas March 19, 2018 - 04:23 PM SHARE(S):

Pansamantalang titigil ang serbisyo ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) na may rutang Roosevelt Avenue-Baclaran vice versa mula sa March 29 (Huwebes Santo) hanggang sa Linggo ng pagkabuhay sa April 1.

Muling magbabalik ang kanilang serbisyo sa publiko sa April 2, araw ng Lunes kung saan ang kanilang byahe ay magsisimula 4:30 ng umaga.

Sa advisory na inilabas ng pamunuan ng LRT 1 kanilang sinabi na sasamantalahin nila ang Holy Week para sa kanilang taunang maintenance work.

Isasailalim sa rehabilitasyon hindi lamang ang kanilang mga tren kundi maging ang kanilang mga riles at ilan pang mga pasilididad.

Inaasahan naman na maglalabas rin ng kahalintulad na pahayag ang pamunuan ng LRT Line 2 at MRT 3 na palagiang nagkakaroon ng aberya.

TAGS: dotr, Holy Week, LRT, MRT, dotr, Holy Week, LRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.