Mister nagpakamatay matapos pagsasaksakin ang misis sa Bohol

By Donabell Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 09:43 AM

Police banner

Nagpakamatay ang isang lalaki matapos niyang saksakin ng ilang ulit ang kaniyang misis sa Barangay La Union, Candijay, Bohol.

Kinilala ng mga pulis ang ginang na si Mary Anne Amoguis at ang kaniyang mister naman ay si Victor Amoguis na isang karpentero.

Ayon kay SPO1 Joseph Bayron, desk officer ng Candijay police station, lasing umano ang mister nang mangyari ang insidente.

Selos naman ang posibleng tinitignang dahilan kaya nagawa ng mister ang pananaksak sa misis.

Nakita umano kasi nito ang kaniyang misis na may kasamang ibang lalaki bago ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bohol, cebu, stabbing incident, Bohol, cebu, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.