Vladimir Putin muling nagwagi sa eleksyon sa Russia, 6 na taon pang mananatili sa pwesto

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 08:36 AM

AP photo

Muling nagwagi si Russian President Vladimir Putin sa halalan sa Russia dahilan para mapalawig pa nito ang pananatili sa
pwesto sa itinuturing na world’s largest country.

Anim na taon pa muling mamumuno si putin makaraang makakuha ng landslide victory.

Batay sa mga isinagawang exit poll lumilitaw na si Putin ay nakakuha ng 73.9 percent ng boto.

Pinasalamatan naman ni Putin ang mga sumuporta sa kaniya.

Aniya, may magandang hinaharap ang Russia basta’t mananatiling nagkakaisa ang mamamayan nito.

Mananatili si Putin sa pwesto hanggang 2024 at sa panahong iyon siya ay tutuntong na sa edad na 71.

 

 

 

 

TAGS: elections, landslide vicotry, Russia, Vladimir Putin, elections, landslide vicotry, Russia, Vladimir Putin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.