Ilang lugar sa QC, Parañaque at Pasay at San Mateo, Rizal, mawawalan ng suplay ng tubig

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 19, 2018 - 07:58 AM

Ilang oras na makararanas ng water interruption sa ilang bahagi ng Quezon City, Parañaque City at Pasay City simula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.

Sa abiso ng Maynilad, sa Parañaque, apektado ng 8 oras na water interruption ang bahagi ng Don Galo at Sto. Niño mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas.

Gayundin ang bahagi ng Brgy. 185 mula alas 11:00 bg gabi hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ng madaling araw.

Sa Quezon City naman, anim na oras ang water interruption muna alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw sa bahagi ng Brgy. Sto. Domingo at Brgy. Talayan.

Habang sa Pasay City naman, alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang water interruption sa Brgys. 169 hanggang 197 sa Malibay Area.

Samantala, halos walong oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng isang barangay sa San Mateo Rizal.

Sa abiso ng Manila Water, alas 10:30 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, March 20 ang water interruption sa Barangay Ampid 1.

Apektado ng interruption ang bahagi ng General Luna.

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa lugar na mag-imbak na ng sapat na tubig na kakailanganin nila sa kasagsagan ng water interruption.

 

 

 

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, Radyo Inquirer, water interruotion, manila water, maynilad, Radyo Inquirer, water interruotion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.