Magnolia Hotshots, isang panalo na lang pasok na sa PBA Finals

By Rhommel Balasbas March 19, 2018 - 12:58 AM

 

Mula sa PBA

Muling tinalo ng Magnolia Hotshots ang NLEX Road Warriors sa sa pagpapatuloy ng kanilang semifinal series sa PBA Philippine Cup.

Sa iskor na 87-78 ay nasungkit ng Magnolia ang Game 5 dahilan upang pangunahan ang serye sa 3-2. Nangangahulugan itong isang panalo na lamang ay pasok na sila sa finals.

Nagpasiklab ng 28 puntos sa fourth frame ng laban ang Hotshots matapos ang gitgitang 59-58 scorecard.

Umabot pa sa 18 puntos ang lamang ng koponan sa NLEX sa natitirang 3 minutes and 9 seconds ngunit umarangkada si Kiefer Ravena para mapababa ang lamang sa single digit. Gayunman, hindi ito naging sapat para maipanalo ang Road Warriors.

Ayon kay Magnolia Coach Adrech Ramos, binigay lamang ng kanyang koponan ang lahat lalo na sa pagdepensa.

Nanguna para sa Magnolia si Mark Barroca sa kanyang 18 points, seven rebounds at two assists.

Magaganap ang game 6 sa pagitan ng dalawang koponan sa Martes, sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa pagitan ng Magnolia at NLEX ang makakalaban ng San Miguel Beermen sa finals ng torneo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.