MRT, nagkaaberyang muli

By Jay Dones March 18, 2018 - 10:59 PM

 

Kahit Linggo, hindi pa rin nakaligtas sa aberya ang mga pasahero ng isang tren ng MRT.

Dakong alas 6:49 ng gabi, nagkaproblemang muli ang isang tren na bumibiyaheng pa-southbound kaya’t pinababa ang mga pasahero sa Ortigas station.

Ayon sa abiso ng MRT, nakaranas ng signaling error ang tren.

Ang problema sa ATP sensor ang dahilan ng signaling error, ayon sa abiso ng MRT.

Nasa 600 pasahero ang naapektuhan ng aberya na pinasakay na lamang sa sumunod na tren.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.