Ibang bansa na miyembro ng ICC, hihimukin ni Duterte na kumalas na rin dito

By Jay Dones March 19, 2018 - 01:02 AM

 

Hihimukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang mga bansa na kumalas na rin sa pagiging miyembro ng International Criminal Court o ICC.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga graduate ng Philippine Military Academy sa Baguio City kahapon, sinabi ng pangulo na European-sponsored ang ICC.

Binuo lamang umano ang ICC upang magsilbing pantakip-butas at pambayad sa mga naging kasalanan ng mga taga-europa sa ibang bansa.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang pagpatay umano ng mga taga-Europa noon sa mga Arabo nang magpunta ang mga ito sa Africa.

Binatikos rin ng pangulo ang aniya’y pakikialam ng mga ito sa problema ng ibang bansa.

Muli ring iginiit ng pangulo na hindi kailanman magkakaroon ng hurisdiksyon ang ICC sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.