Sa PBA: San Miguel Beer, pasok na sa finals; Ginebra laglag na

By Rhommel Balasbas March 18, 2018 - 04:16 AM

PBA IMAGESTinapos na ng San Miguel Beer ang laban nito kontra Ginebra sa semifinals ng PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Hindi na muli pang pinatikim ng Beermen ang Gin Kings matapos ang 100-94 na panalo dahilan para makamit ang standing na 4-1 at tuluyan itong makapasok sa finals ng torneo.

Walang nakapigil sa pagiging agresibo ng four-time PBA Most Valuable Player (MVP) na si June Mar Fajardo matapos magtala ng 25 points, nine rebounds at three assists para sa San Miguel Beer.

Ito na ang ikaapat na sunud-sunod na nakapasok ang koponan sa Finals ng PBA Cup at ika-12 naman sa kabuuan ng conference.

Aminado naman si San Miguel coach Leo Austria na hindi naging madali ang kanilang laban kontra Ginebra ngunit nanindigan ang kanyang mga manlalaro dahil alam nilang mahalaga ang huling larong ito para sa kanila.

Makakaharap ng San Miguel ang mananalo sa pagitan ng Magnolia at NLEX na kasalukuyan ding naglalaban sa semis at tied sa 2-2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.