KZ Tandingan, laglag na sa ‘Singer 2018’

By Rhommel Balasbas March 17, 2018 - 06:17 AM

Tapos na ang journey ni KZ Tandingan sa top rating singing competition na ‘Singer 2018’ sa China.

Tulad noong mga nakaraang linggo, nagpatuloy ang magandang pagtanggap ng audience sa pagkanta ni KZ ngayong linggo kung saan ginawan niya ng rendition ang sikat na kanta ni Lorde na ‘Royals’.

Gayunman, pinakamababa ang botong nakuha ni KZ na nasa 8th place lamang dahilan para matanggal siya sa kompetisyon.

Wala naman anyang pinagsisisihan si KZ sa pagsali sa kompetisyon at sinabing ginawa niya ang lahat ngunit ang resulta anya ay hindi naman kontrolado.

Uuwi anya siya na may ‘happy heart’.

Samantala, viral ngayon sa Facebook ang video ng kanyang performance na iniupload mismo sa kanyang Facebook page.

Sa ngayon ay nagtala na ito ng mahigit 105,000 reactions, 51,000 shares at higit 1.3 million views.

Nagsimula ang journey ni KZ sa nasabing show noong February 9 kung saan nakuha niya ang top spot matapos kantahin ang ‘Rolling in the Deep’ ni Adele.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.