Roque, walang alam sa pagsuntok ni Duterte sa pader sa Malacañang

By Marilyn Montaño March 17, 2018 - 02:14 AM

Hindi umano alam ni Presidential Spokesman Harry Roque na sinuntok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pader sa Malakanyang dahil sa galit sa pagbasura ng Department of Justice sa kaso laban sa mga drug lords.

Hiningan si Roque ng komento matapos ibunyag ni PNP Chief Director General Roland Dela rosa na sinuntok ng pangulo ang pader sa palasyo matapos malaman ang desisyon ng DOJ sa kaso laban kina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ayon kay Roque, hindi niya alam kung nangyari ang pagsuntok ng pangulo. Kung noong Martes anya ito nangyari ay hindi naman sila naghiwalay ng presidente.

Magkasama anya sila ng pangulo hanggang alas dose ng hatinggabi pero hindi niya ito nakitang nanuntok ng pader.

Pahayag ito ni Roque kasunod ng sinabi ni Dela Rosa na namaga ang kamay ng pangulo dahil sa pagsuntok sa pader.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.