Duterte, sinuntok ang pader sa palasyo matapos malamang naibasura ang drug cases vs Espinosa et al – Dela Rosa

By Marilyn Montaño March 17, 2018 - 01:41 AM

INQUIRER File Photo

Sinuntok umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pader sa Malakanyang sa galit dahil sa pagbasura ng Deparment of Justice sa kaso laban sa umano’y drug lords na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ibinunyag ito ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa bilang pagtanggi sa balita na alam na ng pangulo ang desisyon ng DOJ bago pa ito nabalita.

Ayon kay Dela Rosa, namaga ang kamay ng pangulo dahil sa pagsuntok sa pader dahil sa galit.

Inamin ni General Bato na alam na niya ang pag-abswelto ng DOJ kina Espinosa, Lim at iba pang drug suspects pero nag-alangan siyang sabihan ang pangulo dahil marami na itong iniisip.

Noong Lunes inilabas ng Philippine Daily Inquirer ang dismissal order ng DOJ panel sa drug complaints laban kina Lim, Espinosa at iba pa dahil sa umano’y mahinang ebidensya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.