1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 16, 2018 - 03:26 PM

Isa ang nasawi habang sugatan ang isang menor de edad sa insidente ng pamamaril sa Cebu.

Ang biktimang si Philip Montecillo, 42-anyos ay reisdente ng Barangay San Roque sa Talisay City.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang dibdib at kaliwanang braso si Montecillo na naging dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, isang hindi pa nakilalang suspek ang bumaril kay Montecillo habang ito ay sakay ng kaniyang motorsiklo alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes.

Samantala, isang 17 anyos na lalaki naman nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala bunsod ng insidente.

Nakuha ng mga otoridad ang dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa crime scene.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Shooting Incident, Talisay City, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.