Dating PNP Chief Alan Purisima naghain ng not guilty plea sa kasong perjury sa Sandiganbayan

By Rohanisa Abbas March 16, 2018 - 10:57 AM

Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima sa kasong perjury.

Si Purisima ay nahaharap sa walong bilang ng perjury dahil sa hindi umano niya pagdedeklara ng ilang ari-arian sa kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa loob ng walong taon.

Ilan sa mga ito ang ari-arian ng kanyang asawa na si Maria Ramona Lydia Purisima sa ilalim ng Certificate of Land Ownership number CA-25916 sa kanyang SALN noong 2006 at 2007.

Hindi rin umano idineklara ni Purisima sa kanyang SALN ang ilang armas, gaya ng kanyang HPRFL BMSTR 223 firearm at isang STI 40 pistol noong 2011.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: alan purisima, purjery, sandiganbayan, alan purisima, purjery, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.