San Miguel, isang panalo na lang pasok na sa PBA Finals

By Rhommel Balasbas March 16, 2018 - 12:07 AM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Tila gigil ang San Miguel Beer na muling makapasok muli sa finals ng PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos muling talunin ng koponan ang Ginebra sa Game 4 ng kanilang best of 7 series kagabi sa iskor na 102-81.

Three-one na ang standing ng laban na nangangahulugang isang panalo na lang ay pasok na sa finals ng torneo ang Beermen.

Umabot sa 29 points ang pinakamalaking lamang ng San Miguel sa Ginebra sa natitirang 1 minutes and 49 seconds ng third quarter.

Pawang niregaluhan ng koponan ang kanilang coach na si Leo Austira na nagdiwang lamang ng kanyang ika-60 kaarawan nitong Miyerkules.

Nanguna para sa Berrmen si Marcio Lassiter sa kanyang 23 points, six assists at four rebounds.

Magaganap ang Game 5 ng semis sa Cuneta Astrodome sa Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.