Anak ni Dolphy na si Rolly Quizon namatay na

By Den Macaranas March 15, 2018 - 05:41 PM SHARE(S):
Photo: Madel De Leon

Pumanaw na ang dating aktor at anak ni comedy king Dolphy na si Rolly Quizon.

Namatay si Quezon kaninang tanghali sa Capitol Medical Center makaraan ang ilang araw na pananatili doon.

Magugunita na noong nakaraang Biyernes ay isinugod sa pagamutan si Quizon makaraan itong mag-collapsed habang nasa isang supermarket sa Quezon City dahil sa stroke.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya Quizon kaugnay sa magiging detalye ng burol ng dating aktor.

Si Rolly ay unang lumabas sa sitcom na John en Marsha noong 1973 at naging bida rin sa ilang mga pelikula kasama ang kanyang namayapang ama.

Noong isang linggo lamang ay namatay naman sa U.S dahil sa sakit sa puso ang isa pang anak ni Dolphy na si Dino Quizon.

Sinabi ng mga kaanak ni Dino na ipina-cremate na ang kanyang mga labi at dito sa Pilipinas ililibing.

TAGS: dino quizon, john en marsha, Rolly Quizon, stroke, dino quizon, john en marsha, Rolly Quizon, stroke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.