Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, malaking pagkakamali ayon sa CHR

By Jong Manlapaz March 15, 2018 - 12:29 PM

Naniniwala si Commision on Human Rights (CHR) Chairperson Chito Gascon na tuloy pa rin ang preliminary examination sa mga kaso ng extrajudicial killings sa war on drugs kahit binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging signatory ng Pilipinas sa Rome Statute.

Ayon kay Gascon, nagkakamali si Duterte kung iniisip nito na makakawala siya sa jurisdiction ng International Criminal Court sa pamamagitan ng ginawa nitong deklarasyon.

Kung tunay aniya na walang itinatago ang administrasyong Duterte, dapat maging bukas ito at hayaang gumulong ang proseso sa ICC.

Aniya, hindi na mapipigilan ang pag arangkada ng proseso ng preliminary examination sa ICC.

Una na ring inihayag ng CHR na ipagkakaloob nito ang buong kooperasyon sa ICC kung hihilingin nito.

Idinagdag ni Gascon na mas mainam na gawin ni Duterte ay magpakita ng interes na bigyan ng hustisya ang mga namatayan sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga nasa likod ng human rights violations sa kampanyang giyera kontra droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CHR, ICC, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, CHR, ICC, Radyo Inquirer, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.