Ikaw-81 Araw ng Dabaw, ipagdiriwang bukas

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 15, 2018 - 08:59 AM

Ipagdiriwang bukas ang Araw ng Dabaw sa Davao City.

Hinikayat ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa mga Dabawenyo na makiisa sa mga isasagawang aktibidad.

Kabilang sa magiging bahagi ng pagdiriwang ang paglilitson sa 50 mga baka at saka ihehelera sa kahabaan ng Claveria St. pagkatapos ng gagawing “Parada Dabawenyo” na bahagi ng culmination activities sa ika-81 Araw ng Dabaw.

Ang nasabing mga baka ay ipapakain naman sa lahat nga mga dadalo at makiisa sa mga aktibidad.

Ang nasabing mga baka ay donasyon ng “Pilipinong May Puso Foundation”.

Samantala inabisuhan na ng lokal na pamahalaan ang publiko sa magiging ruta ng isasagawang parada bukas upang makaiwas sila sa posibleng abala sa daloy ng traffic.

Month long ang naging selebrasyon pero bukas ang sentro ng mga aktibidad sa lungsod.

Magpapatuloy pa ang iba pang aktibidad para sa Araw ng Dabaw hanggang sa March 22.

 

 

 

 

 

TAGS: Araw ng Dabaw, Davao City, Araw ng Dabaw, Davao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.