Bangkay ng babaeng chinop-chop ng mister na-cremate na

By Rohanisa Abbas March 14, 2018 - 05:33 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Na-cremate na sa La Loma Crematory sa Caloocan City ang babaeng pinagpira-piraso ng kanyang asawa noong Linggo.

Naging emosyonal ang pamilya ni Heidi Estrera habang ikine-cremate ang kanyang mga labi.

Inabangan ng kanyang kapatid na si Tonton Espinosa ang mga abo nito.

Kwento ni Espinosa, malapit sa kanya ang kapatid na lagi siyang tinutulungan.

Umaasa si Espinosa na mabibigyan ng hustisya ang kanyang kapatid.

Nais niya na buhay rin ang maging kapalit sa salarin sa kinahinatnan ni Estrera.

Hindi sinaksihan ng ina at babaeng kapatid ni Estrera ang cremation at sa halip ay aabangan na lamang nila ang mga abo nito sa lalawigan ng Iloilo kung saan paglalamayan si Estrera.

Nakadetine sa Camp Karingal ang asawa ng biktima na si Orlando Estrera na suspek sa pagtataga rito.

Walang inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutor’s Office para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

TAGS: chop-chop, heidi estrera, la loma, quezon city prosecutors office, chop-chop, heidi estrera, la loma, quezon city prosecutors office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.