Rape suspect natagpugang patay at pugot ang ulo

By Rohanisa Abbas March 14, 2018 - 02:56 PM SHARE(S):

Pinugutan ang isang 29-anyos na lalaki na una nang nakulong dahil sa rape at arson sa Pagadian City.

Ayon sa pulisya, narekober ang mga labi ni Alberto Empal 200 metro ang layo mula sa kanyang bahay sa Barangay Ditoray dakong alas-6:00 ng umaga noong Martes.

Ayon kay PO3 Joel Limbo, hindi pa nahahanap ang ulo ni Empal.

Sinabi ni Limbo na nakilala ng pamilya ng biktima ang katawan nito na huling nakita noong Lunes na nakikipag-inuman sa mga kapitbahay.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Loreto, bandang alas-9:00 ng gabi ng Lunes nang marinig nila si Alberto na nagpapasaklolo.

Gayunman, hindi nila mahagilap ito dahil madilim ang lugar.

Kinabukasan, nadiskubre ng kanilang kapitbahay ang isang bangkay na walang ulo at agad nakilala na si Empal ito.

Ayon kay Limbo, iniimbestigahan pa nila ang motibo sa pagpatay kay Empal.

TAGS: alberto empal, Pagadian City, PNP, alberto empal, Pagadian City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.