Fil-Am na suspek sa kasong pagpatay arestado sa Amerika

By Rohanisa Abbas March 14, 2018 - 11:14 AM SHARE(S):
PHOTO FROM BALDWIN PARK POLICE

Arestado sa Idaho, USA ang isang Filipino-American na abogado na suspek sa tangkang pagpatay sa California.

Natimbog si Paul Mendoza Allen sa Jerome, Idaho na salarin sa pamamaril sa Pilipinong mag-asawa sa Baldwin Park.

Pinagbabaril umano ni Allen ang dalawa nang makailang ulit noong March 6.

Nasa edad 70 at 80 ang mga biktima na nagpapagaling sa ospital.

Tinignan ng pulisya ang plaka ng sasakyan ng suspek sa National Crime Information Center, at dito natukoy ang kanyang lokasyon kasama ang kanyang asawa.

Hinihintay ng mga otoridad ang extradition kay Allen.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Baldwin Park Police, California, murder case, Paul Mendoza Allen, Baldwin Park Police, California, murder case, Paul Mendoza Allen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.