Bong Go for senator suportado ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 14, 2018 - 10:37 AM SHARE(S):
CTTO

Nakiisa na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng “Ready Set Go Movement” na tumakbong senador si Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa 2019 national elections.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Andanar, susuportahan ng pangulo si Go hanggang sa huli.

Ayon kay Andanar, kumbinsido ang pangulo na clone niya si Go pagdating sa public service dahil sa dedikasyon nito sa trabaho at kasa-kasama niya ito sa lahat ng mga ginawa niyang pagtulong sa mga mamamayan.

Bukod sa pangulo, nagpahayag na din ng pagsuporta sa kandidatura ni Go si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi pa ni Andanar na maging ang iba pang miyembro ng gabinete ng pangulo ay nagpahayag na rin ng pagsuporta kay go.

Ang Ready Set Go Movement ay inilunsad ng mga kaibigan at supporters ni Go para mahikayat itong tanggapin ang public clamor na mailuklok siya sa senado.

Una rito sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa pagpapasya na ni Pangulong Duterte kung tatakbong senador si Go.

 

 

 

 

TAGS: bong go, Ready Set Go Movement, rodrigo duterte, bong go, Ready Set Go Movement, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.