Truck na may kargang mga softdrinks tumagilid sa Maynila

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 14, 2018 - 10:08 AM SHARE(S):

Tumagilid sa bahagi ng Padre Burgos kanto ng Finance Road ang isang truck na mayroong kargang mga softdrinks.

Puno ng softdrinks ang truck nang ito ay tumagilid habang binabagtas ang bahagi ng Padre Burgos pasadp alas 8:00 ng umaga dahilan para magsikip ang daloy ng traffic sa lugar.

Alas 9:00 na ng umaga nang maitayo ang truck, gayunman, hindi pa rin nabuksan sa mga motorista ang linyang naokupa nito.

Kinailangan pa kasing linisin ang bahagi ng kalsada na naapektuhan ng aksidente.

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Finance Road, metro, Padre Burgos, accident, Finance Road, metro, Padre Burgos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.