Bus nahulog sa bangin sa Atimonan, Quezon, 2 ang patay 15 ang sugatan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 14, 2018 - 07:02 AM SHARE(S):
Photo courtesy of Alfredo Palermo

Patay ang dalawang katao at marami pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Atimonan, Quezon.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng New Diversion Road sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang trailer truck ang bumangga sa Philtranco bus at isa pang 10-wheeler truck.

Galing umano ng Maynila ang bus at patungo sana ng Bicol at sa lakas ng pagkakabangga nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin.

Nakilala ang nasawi na si JM Baron, ang driver ng bus at ang 55 anyos na pasahero na si Lorenzo Lizano.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang 15 nasugatan sa aksidente na karamihan ay sakay ng bus.

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, philtranco, raydo inquirer, accident, bus, philtranco, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.