Residential area tinutupok ng apoy sa Las Piñas City

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 04:57 AM SHARE(S):

Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang isang residential area sa Pilar Village sa Las Piñas City.

Ayon sa Las Piñas Fire Department, nasa ikatlong alarma na ang naturang sunog.

Hindi pa batid kung paano sumiklab ang apoy, ngunit ayon sa mgaresidente, alas-3:45 ng madaling araw nang magsimula ang pagliliyab.

Patuloy pang inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Sa ngayon ay wala pang detalye kung magkano ang kabuuang pinsala, at kung mayroon bang nasaktan dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.